Wednesday, June 29, 2011

minsan lang kitang iibigin

Mahal pangako sa iyo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako
Asahan na di maglalaho


Ang pag-ibig ko'y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman....

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman....

Minsanlamang sa buhay ko ang isang katulad mo
Ako rin ba'y iniibig mo?
Dinggin puso'y sumasamo,sumusumpa sayo
Ikaw ang tanging dalangin ko....

i thought i'd shed a tear when i heard it this morning...but i did not. i got the last song syndrome and the feeling of sadness was felt.

my gabriel

he's my joy and my strength.
he makes me feel worthy and able to carry on.
he can easily melt my heart with a single stare.
he can remove all the stress and unwind a tired soul in a matter of second.
he makes me continue dreaming and becoming ambitious.
he makes me soar and be humble.
he's my ultimate pride and the only reason to survive.
he is my kiddo, my love!


an irony of life

allow me to call it an irony of life. it was more than a month since we left home. we decided to part ways. and i wanted to set my life away from the hurtful past. and since it's hurtful, i would always aim to forgetting about it. i admit i wanted to untie everything and officially remove everything that would link and remind me of him.
but today, it was a different day. today, i fixed all my papers and prepare my docs for my pre employment. oh yes, it's going back to working mode. i was hired yesterday and was offered one great deal that i was not able to resist



Monday, June 27, 2011

it's time to get back

i've been trying to remove all the guilt, anger and resentment feelings in my heart. I want to start a life that is new and full of promises. Promises that I am now a hundred percent determined to accomplish and fulfill. I guess, learning the hardest way - I have gained it. I will not repeat the same mistakes again. One is enough for the wise while twice is too much and thrice is already foolishness. I will not depend my life to anyone's hand. I will journey and love the life given to me to the full. This does not mean that I want to simply enjoy and have fun all the time. Of course, I need to sacrifice, to suffer and to undergo challenges along the way. But one thing is sure now, I will never ever quit! Beat that! Well, of course I may not be able to surpass all of the trials that may come along but I am certain I am strong, brave and have the will to go on.
The anger of the past, I hope it will be forgotten and be buried. The pain and the wounds, I hope it will heal. I hope that no scar will be there. I wish to just recall nice, sweet and happy memories. I can no longer afford wasting my time thinking what went wrong, who's to be blamed and who holds the regret and the biggest mistakes. I won't put myself stuck in a thought about my shortcomings and my misses! It's time to forgive myself and others. It's time to let go and move on. The lonely days and nights won't be over soon, but I am always keeping myself aware that I need to shift my thoughts to happy ones and set aside those heavy loads and hurtful memories. The world still revolves, and I can not just stay in a corner feeling all the wounds and staring at my desperate situation. It would not help at all. Well, after almost a month, nothing happened. I am tired thinking. I am tired of hurting. I am tired of blaming myself. I am tired of feeling angry. all these led me into what I am right now. And I have decided to start the first step to providing solutions to my challenges and at the same time, getting myself back into the beautiful world created for me.

Friday, June 17, 2011

pag ibig

o kay sarap nga naman ng may minamahal. bawat sandali ay punung puno ng kulay. ang mga labi ay laging may bitbit na ngiti. ang mga mata'y kumikislap, naghuhudyat sa pusong maligayang nangungusap.
ang tamis nga naman ng pag ibig. mga bituin at ang buwan ay iaalay. walang bundok na di bubuwagin. walang imposible sa umiibig.
mga pangako sa isa't isa'y nagbibigay ng kakaibang ligaya at kapanatagan. ang bawat bukas ay pinaka aabangan. ang mundo ay tila paraisong ninanamnam. ang langit ay abot kamay kapag ang puso'y pinagbigyan.
o pag ibig, sana'y ikaw ay maging akin.


katapusan...ang hangganan

hindi ko lubos maisip kung bakit nagkaganito. isa ba itong sumpa. ako'y tila paslit na walang lakas. ang mga braso'y lupaypay. ang mga talampakan ay nagkakapalan. ni minsan hindi tumulo ang luha gaano man kalalim ang sugat. kahit isang salita ay walang namutawi. lahat ay ikinukubli ng dila. ang mga mata'y malamlam at puno ng hinagpis. ang puso ay nag uumapaw sa galit. ang mundo ko'y binabalutan ng muhi at hinanakit. nais kong lumimot. talikdan habangbuhay ang bawat mapait na sandali. hayaang baunin ng lumipas ang bawat sakit na dinanas. ibaon sa nakaraan ang rehas ng pangmamaliit. ni minsan ay hindi inusal, maging isang krus ng kabiyak ngunit sa bawat araw na lumisan, batid ko ang bigat at kahirapan. ipinukol sa aking harapan, isiniwalat, ipinagsigawan, ako'y inutil, ako'y basahan, ako ang pasang krus sa buhay. ang mundo ko'y niyanig ng hapis. malungkot. mahirap. malupit. ito ang katapusan. ito ang hangganan.

isang yugtong titiklupin. isang pahinang nararapat punitin. maitim man ang sulat ng pluma, titiyaking mabubura ang bawat letra. kasaysayang hindi na dapat balikan. ito ang katapusan. ito ang hangganan.

Saturday, June 4, 2011

sadlak

nais kong ika'y makausap,
masabi lahat ng nararamdaman
pangungulila man o hinanakit,
ako'y ilayo sa dilim ng hinagpis.
nais kong maglaho
ang pait ng pagkawalay
ang pagtanggap sa wasak na pangakong
habang buhay magkatuwang
sa hirap man o kaginhawahan.
nais kong limutin
mumunting matatamis na sandali
upang hindi na muling manabik
pusong pinupuno ng galit.
nais kong manindigan
na wakasan ang mapait na kapalaran
hindi na muling aasa
sa pader na nilumot at rumupok
noong aking sinandalan.
habang ang dilim ay nakabalot
hayaang malublob sa puot
punyal na itinarak
untiunting winawasak
hindi man umaagos ang luha
dalamhati'y lumalalim, di' humuhupa
ang buwan at mga bituwing sambit
larawan na lamang ng masamang panaginip
sa bawat ihip ng hangin
ang bigat ng damdamin ay sumasalin
ganito ba ang pag~ibig
daig ang kumunoy kung kumitil.